Advertisers

Advertisers

‘Napaka-bobo’ ni VP Sara

0 7,406

Advertisers

NAKAKATAWA talaga itong Bise Presidente natin. Pati ba naman ang pamamaril ng mga gagong estudyante sa eskuelahan ay isinisisi kay President Bongbong Marcos, Jr.

Failure of intelligence gathering daw ng nangyaring pamamaril ng dalawang gagong mag-aaral sa San Jose National High School sa Tacloban City.

“This tragedy also exposes the failure of the government to recognize the importance of intelligence gathering and identifying threats before lives are lost. We cannot continue reacting only after another child is hurt or killed,” sabi ni VP Sara pagkatapos ng insidente ng pamamaril ng dalawang estudyante na edad 14 at 15-anyos sa loob ng eskuelahan kungsaan apat ang nasawi at marami ang nasugatan.

Ang insidenteng ito ay hindi gawa ng terorista para sabihing may failure of intelligence ang gobierno. Ito’y gawa ng mga mag-aaral na nawala sa matinong pag-iisip na maaring bunga ng bullying o ng mga napapanood sa movies.

Nakalimutan yata ni VP Sara na siya’y parte din ng administrasyon, at naging pangulo rin ang kanyang ama sa loob ng nakaraang anim na taon.

Noong pangulo ang kanyang ama, Rody “Digong” Duterte, sinalakay ng mga teroristang Abu Sayyaf ang Marawi City kungsaan nawasak ang lungsod at maraming buhay ang nawala. Iyon ang failure of intelligence.

Noong panahon ng kanya, bumaha ang iligal na droga at napasok ng Chinese criminals ang negosyong POGO sa bansa. Iyon ay failure of intelligence.

Nabuking lamang ang lahat nang karumal-dumal na krimen na ito nang matapos ang termino ni Digong.

Kung tunay na may alam sa kanyang sinasabing failure of intelligence itong si VP Sara dapat naadbaysan niya ang kanyang ama noon sa mga terorista sa Mindanao, at pagdami ng mga kriminal na Intsik sa Pinas. Wala eh. Inaruga pa nga nila. Mismo!

Sabi nga ng beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo: “Napaka-bobo na Bise Presidente si Sara.” Hindi raw ito nag-iisip muna bago magbitiw ng salita. Mismo!

Kung itong si Sara ay mahalal na Pangulo ng bansa sa 2028, tiyak malalagay sa peligro ang bansa. Obviosly ay mas matindi pa ang pagkabuang nito kesa kanyang ama. Mismo!

Kaya bayan, gising! Mag-isip ng maraming beses bago idolohin ang katulad ni Sara. Laging nasa huli ang pagsisisi. Amen!

***

Malamang na hihimas ng rehas na bakal itong si dating Congressman Mike Defensor.

Ang kasong isasampa laban sa kanya ay hindi imbento kundi bunga ng masusing imbestigasyon.

Oo! Nakatakdang sampahan ngayon ng National Bureau of Investigation ng kasong ‘qualified human trafficking’ si Defensor kaugnay ng pagkakasangkot niya sa sinalakay na KTV bar at hotel sa Pasig City na prente ng prostitution.

Ang naturang mga establishment ay pag-aari ng pamilya ni Defensor, ayon sa NBI.

Bukod sa kasong ito na isang non-bailable, nahaharap din si Defensor sa kasong Plunder, kaugnay naman sa P75 million campaign fund na ibinigay niya kay Senador Rodante Marcoleta. Nasa Office of the Ombudsman na ang kasong ito at nakatakda na raw maglabas ng arrest warrant ang graft court laban sa kanila.

Si Defensor ay “bata” ni ex-President Gloria M. Arroyo na humawak ng makakatas na posisyon sa gabinete sa loob ng siyam na taon ni GMA sa Palasyo. Now you know kung bakit ubod ng yaman niya.

Ang lahat ngbbagay ay may katapusan. Baka ito na ang katapusan ni Mike.

Abangan!