Advertisers

Advertisers

2 biktima ng pamamaril sa Tacloban school kritikal

0 3

Advertisers

KRITIKAL parin ang ka-lagayan ng dalawang mag-aaral na kabilang sa 15 estudyanteng nasugatan sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong Lunes.
Kinilala ang mga biktima na sina Joan Vinias, isang Grade 10 student na nagtamo ng tama ng bala sa ulo; at Nathan Candelario, Grade 9 na nasapul sa tiyan.
Ayon sa kanyang ina na si Rowena Eracho, masama ang pakiramdam ng kanyang anak noong umaga ng insidente at muntik nang hindi pumasok sa paaralan. Nguni’t nagpumilit itong pumasok kaya niya ito pinayagan.
Ilang oras matapos nito, nabalitaan na lamang ng ina ang pamamaril sa paaralan. Pagdating niya sa ospital, nakita niyang nakahiga sa stretcher ang anak.
Lubos ang paghihinagpis ngayon ni Rowena. Hindi niya matanggap ang sinapit ng kanyang anak, at tinatanong kung paanong nakapasok sa paaralan ang mga menor de edad na salarin na may dalang baril.
Hiling niya ngayon ang paggaling ng kanyang anak na nangangarap maging nurse balang araw.
Samantala, nasa kritikal ding kondisyon si Candela-rio. Ayon sa kanyang ama na si Erwin, tumama ang bala sa ilalim ng pusod ng anak at lumabas sa tagiliran. Tatlong butas ang iniwan nito sa bituka kaya inaasahang matagal ang paggaling ng binatilyo.
Sa kabuuan, 15 estudyante ang nasugatan habang tatlo ang nasawi sa insidente.
Ayon sa pulisya, nasa edad 14 at 15 ang mga sangkot sa pamamaril. Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga ito.
Nahaharap sa reklamong multiple murder at frustrated murder ang 15-anyos, matapos matukoy na alam nito ang kanyang mga ginawa.
Patuloy namang nananawagan ng hustisya ang mga pa-milya ng mga biktima, hinihi-ling na mapanagot ang lahat ng may kinalaman sa madu-gong insidente.