Advertisers

Advertisers

Abogadang kinasuhan ng cyberlibel, laya na

0 52

Advertisers

Humarap sa mamamahayag si Atty. Marian Dupal-ag Woolridge nang makalaya sa pagkakakulong nang makapagpiyansa ito ng halagang P640,000 pesos.
Si Atty Woolridge, nahaharap sa kasong 8 counts na Cyberlibel na isinampa laban sa kanya ng pamunuan ng Kolehiyo ng Lungsod ng Dasmarinas (KLD) dahil umano sa pagpo-post sa kanyang FB Page ng isang video tungkol sa nakitang bitak mula sa dingding ng nasabing paaralan noong nakaraang taon.
Sa isang resolusuyon ng Sangguniang Panglunsod ng Dasmariñas, naaprubahan sa pamamagitan ng unanimous signature ay naisampa ang nasabing kaso sa pagbibigay ng awtorisasyon kay Dr. Juanito Cabanias upang maging representative ng KLD.
Sinabi ni Atty. Woolridge, kusang loob siyang sumuko matapos maipalabas ang warrant of arrest noong June 20 ng taong kasalukuyan sa himpilan ng pulisya ng Dasmariñas at natulog ito ng isang araw sa kulungan at nakihalubilo kasama ang ilang preso, pumila sa pagkain, dumaan sa tamang proseso, nag-suot ng dilaw na t-shirt at nag-mug shot at walang ibinigay na special treatment sa kanya.
Sa kwento ni Atty. Woolridge, nag-ugat ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya dahil sa inilabas nito sa kanyang FB Page noong June 19, 2025 dahil sa nakita nitong bitak ng gusali ng kolehiyo at layon lamang nito na maiparating sa kinauukulan at mabigyan ng aksyon.
Sinabi pa nito na makaraan ang nabanggit na post ay nagkaroon ng ocular inspection sa lugar bagama’t hindi siya kasama at sinabi sa ginawang inspeksiyon na safe ang building pero ang nakitang bitak ay sanhi umano ng paghina ng lupa.
Dahil sa nasabing post ng video, nag-viral ito at marami ang nagkumento. Nabatid din na madalas sa kanyang FB page, pinupuna umano niya ang mga nakikita niyang hindi magandang nangyayari sa lunsod tulad ng sa tubig at basura at natutuwa naman siya kapag may aksyon agad ang pamahalaan.
Umugong din ang balita na may mga ilang kumukumbinsi kay Atty. Woolridge na kumandidato sa pagka-Kongresista sa darating na Special Election matapos ang pagkakatanggal ni Rep. Francsico “Kiko” Barzaga noong June 02, 2026 subalit mariin niya itong pinabulaanan at wala umano siyang balak dahil wala ng malalapitan ang mga taong nangangailangan ng tulong na walang pangbayad sa abogado. (Irine Gascon)