Advertisers

Advertisers

P3.8B utang ng Cargohaus sa MIAA, pinasisilip sa Ombudsman

0 10

Advertisers

Hiniling ng grupong The Passenger Forum sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng patuloy umanong paggamit ng Cargohaus Incorporated sa mga pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang kahilingan ay bunsod ng sinasabing obligasyon ng Cargohaus Incorporated sa MIAA na umaabot sa mahigit P3.7 bilyon, na ilang dekada na umanong hindi pa nababayaran.

Ayon sa advocacy officer ng The Passenger Forum na si Mark Quinto, nais din nilang pagpaliwanagin ang MIAA kung bakit pinapayagan pa rin umano ang Cargohaus Inc. na gamitin ang mga ari-arian ng paliparan sa kabila ng naturang obligasyon.

Batay sa statement of account ng MIAA, hanggang Marso 10 ng kasalukuyang taon ay umaabot na sa P3,773,190,396.37 ang sinasabing obligasyon ng Cargohaus Inc., kasama ang naipong interes.

Sinabi rin ni Quinto na bahagi ng naturang halaga ang bayad sa pag-upa sa isang bahagi ng paliparan na umano’y hindi saklaw ng anumang kontrata, habang ang isa pang bahagi ay may kaugnayan sa isang kontratang natapos pa noong Pebrero 2008.

Bukod dito, hinihimok din ng grupo ang Office of the Ombudsman at ang Commission on Audit (COA) na ipa-subpoena ang mga kaugnay na kontrata, billing records, collection actions, at occupancy documents na may kinalaman sa Cargohaus Inc.

As of press time, patuloy pang sinisikap ng aming panig na makuha ang pahayag ng Cargohaus Inc., MIAA, at iba pang kumpanyang nabanggit kaugnay ng usaping ito.(Jocelyn Domenden)