Advertisers
DAHIL sa naganap na pamamaril sa Tacloban City, Leyte kung saan tatlong estudyante ang namatay at 13 ang sugatan ay isinulong ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga estudyante at guro sa lahat ng paaralan sa lungsod.
Sa isinagawang pagpupulong na pinangunahan ni Mayor Edwin L. Olivarez, sinabi ng alkalde na bilang tugon sa pagbibigay proteksyon at seguridad ang pagkakaloob ng lokal na pamahalaan ng mga metal detectors sa bawat eskwelahan sa lungsod.
Sinabi ni Olivarez na ang pagbibigay ng metal detectors sa mga paaralan ay para mapigilan ang mga estudyante sa pagdadala ng sandata sa loob ng silid-aralan.
Ayon pa kay Olivarez, ang naturang inisyatibo ay ang pangunahing prayoridad na mabigyan ng proteksyon at seguridad ang bawat estudyante, guro gayundin ang mga non-teaching personnel sa mga eskwelahan.
Dagdag pa ng alkalde na ang paglalagay ng metal detectors sa mga pasukan ng eskwelahan ay para paigtingin na rin ang security protocols sa lahat ng institusyon ng kaalaman.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com