Advertisers

Advertisers

14-anyos student patay sa saksak ng titser

0 4

Advertisers

ARESTADO ang 37-anyos na guro nang saksakin hanggang sa mamatay ng 14-anyos na estudyante sa Barangay Subic, Baliwag City, Bulacan, madaling-araw ng Lunes, Hunyo 29.
Ayon kay Lt. Colonel Eisbon L. Llamansares, hepe ng Baliwag Police, nakatanggap sila ng ulat mula sa Baliwag City Hospital 3:30 ng madaling-araw hinggil sa isang dalagitang isinugod doon na may mga saksak sa leeg. Idineklara siyang dead on arrival.
Ayon sa pulisya, ang salarin mismo ang nagdala sa biktima sa ospital kasama ang ina nito bago siya agad na inaresto.
Nagsagawa na ng ocular inspection ang mga imbestigador sa pinangyarihan ng insidente habang pinroseso ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakalap na ebidensiya.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa guro.