Advertisers
MASYADONG minamaliit ng kasalukuyang nasa poder ang talino ng mamamayang Pilipino sa pagnanasang manatili sa kapangyarihan, mapagtakpang ang pinakamalaking eskandalo ng pandarambong sa bansa, mapatahimik ang mga kritiko at gawin ang lahat ng maruming paraan huwag lang maging pangulo ang frontrunner sa survey na si VP Sarah Duterte.
Ang daming dekampanilyang abogado sa bansa, propesyunal, political analyst maging mga edukadong pangkaraniwang tao ang iniismol ang mga isyung bumabalot sa mga nakaupo sa kapangyarihan.
Mantakin bang ang Isang donasyong pangkampanya para sa eleksyon ay ginawang kasong PLUNDER o pandarambong at ill-gotten ang donasyon mula pribadong individual na siyang ikinaso kay incumbent Senator Rodamte Marcoleta, pinaka-vocal na taga-imbestiga ng flood control scam sa bansa upang matukoy ang mastermind.
Ang daming politiko ang tumanggap ng financial na suporta upang maisulong ang kanilang kandidatura,may kapalit man o wala.
Halos lahat nagmula sa pinakamataas hanggang pinakamababang politiko ay gumawa nito as long na aprub ng COMELEC eh bakit si Marcoleta lang ang kinasuhan habang okay lang sa nakakaraming nakikinabang ng donasyon.
Merong ang kapalit ng tulong pinansyal ay posisyon sa pamahalaan, mayroon ding higanteng proyekto sa gobyerno habang si Marcoleta ay Wala namang anumang pabor ang hinihingi sa kanya ng donor.
Isyu rin ang timing ng pagsampang kaso ng OmBADSMAN sa kilalang tuta ng Palasyo dahil sakto ito sa gaganaping paglilitis sa Senado kay VP Sarah na ang malinaw dito ay upang pahinain ang depensa dahil mabawasan sila ng ng mahusay na abogado sa katauhan ni Sen. Rodante.
Diyan sila nag kakamali dahil kahit na pilayin ang kampo ni Marcoleta ay me mga natitirang mahusay na tagapagtanggol ng katotohanan.
May mga nakahanay pang taga Minority ang gustong kasuhan ng palalong OmBADSMAN
Ang daming dapat na kasuhan partikular sa HoR kung saan doon naglipana ang mga buwayang timawa nang maupo sa trono ang nambudol sa tao pero hanggang ngayon ay nakakalaya at sila pa ang nag papatalsik ng inimbentong paratang.
May na-prank nga ang omBADsman na dalawang Senador na kundi babaliktad ay kakasuhan upang ikulong ng walang piyansa kaya hayun, ang hinog na kaso ay naging bubot at ligtas sa asunto ,napakarami nang binend na law ng mga alipores ng palasyo akala kasi nila ay ganoon ka-bopol ang pipol lalo ang mga taga-akademya, sekta pati na ang militar na nagmamasid lang na mapuno ang salop.
Ang PLUNDER na ikinaso ng OmBADSmanna sa hangaring papalakpakan siya ng kanyang amo sa palasyo ang sa opinyon ng UPPERCUT ay Isang BLUNDER na lalong mag papalubog sa kumunoy na kanilang kinasasadlakan dahil di nila kayang baluktutin ang galit ng bayan… ABANGAN !