Advertisers

Advertisers

VP Sara mas mainam na humarap sa impeachment trial – PBBM

0 4

Advertisers

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na mas magiging malinaw at mas madali ang proseso kung personal na haharap si Vice President Sara Duterte sa impeachment court ng Senado.

Sinabi ni Pangulong Marcos, mas mainam kung direktang sasagot ang akusado kaysa sa pamamagitan lamang ng mga abogado, bagama’t sariling opinyon niya ito at hindi legal na payo.

“Kung diretsong makapagsagot, ‘di syempre mas magiging maliwanag ang proseso, mas magiging madali ang proseso. But that’s just my own opinion and that’s not a legal opinion,” ayon kay Pangulong Marcos.



Kung siya ang nasa sitwasyon, aniya, mas pipiliin niyang humarap at sumagot sa mga paratang kahit tutol ang abogado.

“I would almost insist over the advice of lawyers. If they advise me not to appear, I would insist on appearing,” sabi pa ng Pangulong Marcos.



Inatasan ng impeachment court si Duterte na dumalo sa kanyang pagdinig sa Hulyo 6, personal man o sa pamamagitan ng counsel.

Sa panig ng depensa, sinabi ng abogado na maaari siyang humarap kung ito ay kinakailangan at irerekomenda ng kanilang team.



Ang mga kinasasangkutang kaso ng mga akusasyon ay ang maling paggamit ng confidential funds, kahina-hinalang yaman, suhol, at grave threats. Mariin itong itinanggi ni Duterte at tinawag na “fishing expedition” ang mga imbestigasyon ng Kamara.