Advertisers

Advertisers

PBBM: Listahan ng mga kontraktor ng flood control projects kumpleto na

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mayroon nang kumpletong listahan ng mga kontraktor at flood control projects na sinasabing may mga iregularidad.

Sa Kapihan with the Media sa Vancouver, Canada, sinabi ng Pangulo na marami na sa mga kontraktor ang naimbestigahan, nakasuhan at na-freeze ang kanilang mga bank account matapos makitaan ng mga paglabag.

May ilan din aniyang kontraktor na nalinis ang pangalan matapos mapatunayang wala silang naging paglabag.



Samantala, sinabi ni Marcos na buo ang tiwala niya sa Ombudsman sa pagdedesisyon kung gagawing state witness ang dating DPWH Secretary na si Manuel Bonoan. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">