Advertisers
ARESTADO ang 50-anyos na vendor nang mahu-ling inaabuso ang isang alagang asong Dachshund noong Sabado sa Tacloban City.
Sa report, inimbitahan ang lalaki ng isa sa mga kaanak ng complainant na makisali sa inuman bago nangyari ang insidente.
Maya-maya, nagpaalam ang lalaki na gagamit ng comfort room, nguni’t narinig ng complainant at ng kanyang mga anak na babae ang malakas na iyak ng kanilang brown female Dachshund.
“The family followed the dog’s cries and allegedly found the suspect holding the dog while his genitalia penetrated the animal’s genital organ,” ayon sa police report.
“The complainant immediately confronted the suspect and ordered him to release the dog, which sustained a serious injury to its genital organ,” dagdag pa nito.
Humingi ng tulong sa pulisya ang complainant kaya agad rumesponde ang mga tauhan ng Tacloban City Police Office Station 2 at inaresto ang suspek.
Naghain na ang mga awtoridad ng reklamo laban sa lalaki sa paglabag sa Republic Act 8485, na inamyenda-han ng Republic Act 10631 (Animal Welfare Act).