Advertisers

Advertisers

Gravitas!

0 2

Advertisers

Iyan ang terminong Latin na ginamit ni Philippine Sports Commission Chairman Pato Gregorio upang ilarawan si Naga City Mayor Leni Robredo sa isang salita.

100% sumasang-ayon si PSC Commissioner Edward Hayco sa paglalarawan ng pinuno ng PSC.

Sa ating wika, ito ay nangangahulugang isang kagalang-galang na nilalang dahil sa bigat ng pagkatao at kahusayan sa halos lahat ng mga bagay.

Kung sino man kasi ang makakadaupang- palad sa alkalde ng lungsod ay tunay na mamamangha.

Noong kalagitnaan ng Hunyo, nagpulong ang tatlong pinuno sa Bicol Sports and Youth Summit na ginanap sa maogmang lugar ng dating pangalawang pangulo.

Bukod pa riyan, may karagdagang karisma ang biyuda ni Sec Jesse Robredo. Tila may magnet ang kanyang personalidad na tunay na makakabihag sa iyo. May mga resibo at iba pang patunay ng mga nagawa ng ina nina Aika, Tricia at Jillian para sa bansa. Walang pagkukunwari. Walang kalokohan. Puro katotohanan.

Nang banggitin ni LGR ang dahilan ng pagsakay ni JMR sa maliit na eroplano sa Naga City Sports Complex, napaiyak sila.

“Sa swimming pool na ito ko natanggap ang balita na naaksidente ang aking asawa habang sinusubukan niyang umabot sa seremonya ng paggawad ng gantimpala para sa kanyang mga anak na kalahok sa swimming event,” sabi ni Ginang Robredo.

Kung sumakay siya ng regular na flight mula Cebu, kinailangan pa sana niyang dumaan sa Maynila at pagkatapos ay lumipad papuntang Naga. Ngunit hindi iyon sapat na oras. Kaya sumugal siya gamit ang isang pribadong chopper.

Ang salaysay naman ni Comm Ed tungkol kay June Mar Fajardo ay ganire.

“Hindi napapayag si June Mar sa magagandang alok mula sa mga unibersidad sa Maynila kahit mahirap lang ang pamilya niya sa Cebu,” sabi ni Comm Hayco.

Hiniling din sa kanila ng mga paaralan sa Cebu na patapusin muna nila ang kanyang pag-aaral bago ipa-dala sa Maynila.

Iyan ang nangyari. Nanatili si Fajardo sa University of Cebu ngunit siya na ngayon ang pinakamayamang basketbolistang Pinoy at mayroon pang siyam na tropeo ng MVP mula sa PBA.

Si Onyok Velasco naman daw ay tubong Bago, Neg-ros, na ang boksing ay naging daan para sa pag-unlad ng lahat ng kanyang mga kapatid. Si Onyok ay kabilang sa pitong pinakahuling naluklok sa Sports Hall of Fame ng Pinas.

Dahil sina Onyok at ang mga utol niyang sina Roel at Nolito ay mga magagaling sa boxing ay nagkaroon ng arhletic scholarship, nakapag-aral at umangat sa buhay.

Yan ang iba pang kwento ni Commissioner Edward Hayco sa OKS noong isang Lunes.

***

Positibo ba o negatibo ang epekto ng paglisan ni LeBron James sa LA Lakers?

Tanging ang mga resulta ng paparating na season ang makakasagot, ngunit ngayon ay tila hati ang bar-kada sa pondahan ni Aling Barang sa isyung ito.

Ayon kay Tata Selo, dapat sana ay nabigyan ng graceful exit si LBJ. Farewell tour at sa halagang hindi bababa sa 50% ng kanyang suweldo sa huling taon sa liga. Pagkatapos ay magtayo o mangakong magpapagawa ng monumento para sa kanya sa labas ng Crypto. cim Arena. Ngunit ito ay kung handa rin siyang magretiro sa susunod na taon.

Ito raw ang pinakamagandang compromise sa pagitan ng dalawang panig para kay Pepeng Kirat.