Advertisers

Advertisers

Sen. Escudero nahalal na presiding officer ng Senate Impeachment Court

0 7

Advertisers

PORMAL na inihalal si Senador Francis “Chiz” Escudero bilang presiding officer ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Inihain ni Sen. Panfilo Lacson ang nominasyon ni Escudero sa posisyon sa kabila ng pagtutol ni Minority Leader Alan Peter Cayetano at ng minority bloc.

Nabatid na 12 senador ang bumoto pabor sa pagkakahalal ni Escudero, habang walo naman ang kumontra.



Kaugnay nito, giit nina Sen. Kiko Pangilinan at dating Senate President Tito Sotto na walang probisyon sa Konstitusyon na nagsasaad na ang Senate President ang dapat magsilbing presiding officer sa impeachment trial ng Bise Presidente.

Matatandaang si Escudero ang dating nagsilbing presiding officer ng impeachment court noong 2025 habang siya pa ang Senate President.



Ipinunto naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na ang amyenda sa mga patakaran ng Senado na nagpapahintulot sa isang hindi Senate President na magsilbing presiding officer ng impeachment court ay nakapaloob sa isang resolusyon ng Senado na inaprubahan noong Hunyo 3 at pinagtibay noong Hunyo 17, kapwa nang walang pagtutol.

Ani Gatchalian, dapat talakayin ang mga usapin hinggil sa mga pag-amyenda sa mga patakaran ng Senado kapag naka-convene ang Senado bilang isang legislative body at hindi kapag ito ay gumaganap bilang Senate impeachment court.



Gayunman, iginiit ni Cayetano na nagsisimula ang Senado sa maling hakbang. (Mylene Alfonso)