Advertisers

Advertisers

Jed Madela at Mark Bautista first time nagsama on stage sa “Moonlight Serenade” concert sa tagal sa music industry

0 12

Advertisers

By Anne Venancio



Matagumpay na nagsama sa iisang entablado sina Jed Madela at Mark Bautista sa dinner concert na “Moonlight Serenade,” na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel noong June 30. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon sila ng full concert na magkasama matapos ang halos 20 taon ng kanilang matagumpay na karera sa music industry.

Ang concert ay pinangunahan ng producer na si Daisy Romualdez, sa musical direction ni Butch Miraflor at sa direksyon ni Miggy Tanchangco. Tampok sa programa ang mga klasikong Filipino at international hits na inawit nina Jed Madela at Mark Bautista. Isa sa mga naging highlight ng gabi ang pag-awit ni Jed ng request ni DR na “The Impossible Dream,” na sinalubong ng malakas na palakpakan at standing ovation mula sa audience.



Pinahanga ni Jed ang audience sa kanyang malinis na birit, mahusay na vocal control, at emosyonal na pag-awit, kabilang ang kanyang rendisyon ng “Kahit Maputi na ang Buhok” at iba pang awitin ni Sharon Cuneta. Samantala, ipinakita naman ni Mark ang kanyang husay sa pagkanta at stage presence sa kanyang mga solo performances, kabilang ang Tom Jones medley at mga romantic ballads.

Isa sa mga tampok sa concert ang kanilang mga duet, kabilang ang medley ng mga awitin ni Willy Cruz at mga hit ng ABBA, na sinalubong ng malalakas na palakpakan at standing ovation mula sa audience.
Naging matagumpay ang “Moonlight Serenade” sa suporta ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ni Ms. Mary Tuazon, Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno, at ng iba pang mga tumulong sa paghahatid ng isang gabi ng world-class entertainment at walang kupas na musika.