Advertisers

Advertisers

2 pulis patay sa ambush

0 3

Advertisers

Nasawi ang dalawang pulis sa ambush sa Barangay Tinumigues, Lambayong, Sultan Kudarat Martes ng gabi, July 7.
Kinilala ang mga biktima na sina Patrolman Apollo Morante Pagurayan at Patrolman Joerel Basilan Bullos.
Sa mga hiwalay na ulat ng municipal officials at ni Major Leonel Delasan, acting chief ng Lambayong Municipal Police Station, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima na parehong naka-uniporme ng combat fatigues, nang tambangan ng mga lalaking armado ng M16 assault rifles na naka-pwesto sa gilid ng highway sa Barangay Tinumigues.
Namatay agad sa mga tama ng bala si Pagurayan. Pumanaw naman si Bullos sa ospital.
Miyembro sina Pagurayan at Bullos ng mga tropa ng 1202nd Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, isang rapid deployment unit ng PRO 12. Ang 1202nd Company ng RMFB 12 may mga tropa na nakadestino sa Lambayong at mga karatig na bayang sakop ng Sultan Kudarat, isa sa apat na mga probinsya sa Region 12
Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush.
Nagpapatuloy ang opera-syon ng pulisya at militar laban sa mga salarin.