Advertisers
KULONG ang 32-anyos na guro nang makuhanan ng iligal na droga sa drug buy-bust operation sa Barangay Sta. Cruz, Ballesteros, Caga-yan.
Sa direktiba ni Regional Director Gil Cesario Castro ng Philippines Drugs Enforcement Agency (PDEA) Region 02, sa isinagawang operasyon 4:35 ng hapon, nahuli ang guro na si alyas “MJ” nang bentahan ng droga ang isang undercover operative.
Nasamsam mula sa target ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000. Nakuha rin ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
Nahaharap ang nasabing guro sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Rey Velasco)