Advertisers

Advertisers

Board member sa Negros tatalupan sa e-sabong

0 2

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ngayon ang isang provincial board member ng Negros Occidental matapos mabu-king ng pulisya ang isang malawakang ilegal online cockfighting o e-sabong operation sa E.B. Magalona, Negros Occidental, Miyer-kules, July 8, 2026.
Sinabi ni Police Regional Office-Negros Island Region director Brig. General Romano Cardiño, ‘person of interest’ si 3rd District Board Member Andrew Monteli-bano nang makita siya ng mga operatiba sa lugar, Hacienda Pilar, Barangay Alicante, kungsaan nadiskubre ang online sabong
Nabatid na si Montelibano ang chairperson ng games and amusement committee ng Provincial Board.
Hindi inaresto si Monteli-bano dahil “no concrete evidence” ang pulisya sa kani-yang partisipasyon.
Wala pang inilalabas na pahayag si Montelibano ng kaniyang presensya sa lugar.
Ayon sa PRO-NIR, tinutugis ng joint police operatives ang isang wanted person na may arrest warrants para sa murder at frustrated murder nang madiskubre nila ang e-sabong operation. Gayunman, nakatakas ang wanted person.
Apat na indibidwal ang inaresto ng pulisya sa pag-kakasangkot sa illegal cockfighting operation. Kinilala sila sa mga alyas “JG”, 40; “FD”, 38; “RL”, 36; at “EC”, 29.
Narekober sa property ang 142 live fighting cocks, 106 carcasses of fighting cocks, 156 gaffs, 2 camera stands, at 2 television monitors.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Presidential Decree 1602, Illegal Gambling, kaugnay ng Republic Act 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012, laban sa mga inaresto. Nasa kustodiya na sila ng E.B. Magalona Municipal Police Station.
Tiniyak din niya na susundan ng pulisya ang ebidensiya sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Sinabi ng lokal na pamahalaan ng E.B. Magalona na ipi-nauubaya nito sa kinauukulang awtoridad ang paghawak sa kaso.
Nadiskubre ang e-sabong operation sa E.B. Magalona halos tatlong buwan matapos maaresto ng mga operatiba ang 30 katao sa isang e-sa-bong facility sa Talisay City, Negros Occidental.
Una nang ipinag-utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr. ang patuloy na nationwide suspension ng e-sabong operations sa ilalim ng Executive Order No. 9 na inilabas Disyembre 28, 2022.
Sa ilalim ng kautusan, suspendido ang live-streaming o broadcasting ng live cockfights sa labas ng cockpits, cockfighting arenas, o lugar kungsaan idinaraos ang sa-bong.