Advertisers

Advertisers

Fyang di nakikipag-live kay JM

0 2

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Nilinaw ng manager ni Fyang Smith na si Mannix Carrrancho na walang katotohanan ang lumabas na balitang nakikipag-live in na ang kanyang alaga sa love team partner nitong si JM Ibarra.

Katunayan, kahit masasabing outspoken ang aktres ay nananatili raw na konserbatibo ito.

Nag-react din siya sa mga akusasyong may ‘attitude’ problem si Fyang.

“Actually, she’s probably misunderstood. Si Fyang kasi mabait siyang bata.Walang masamang tinapay sa kanya. Kumbaga, very transparent lang siya, ” aniya.

Bilang co-manager ng Star Magic sa young actress, hindi rin daw siya nagkukulang ng paalala sa alaga.

“Sinasabihan ko siya na hindi na puwede ang dati na very hyper o very active siya sa socmed dahil hindi lahat maiintindihan siya.”aniya.”Nakikinig naman siya. So ngayon, pag napapanood ninyo siya, medyo pa-demure na siya. Medyo kalmado,”dugtong niya.

Sa isyu namang nililigawan ni JM si Fyang, ayaw daw niyang mang-himasok sa lovelife ng aktres.

“Ako naman, hindi ako nakikialam pag ganoong bagay. Sabi ko lang, kilalanin mo munang mabuti bago ka mag-decide, ” bulalas niya.

Si Mannix ay isa sa mga pinakatagumpay na entrePinoy at talent manager sa bansa sa kasalukuyan.

Siya ang henyo sa likod ng Prestige International, ang business empire na kanyang itinayo.

Si Mannix ay nakilala rin bilang visionary leader na naging misyon na ang pagtulong at pagtuklas ng mga bagong talento .

Bilang isa sa pinaka-impluwensiyal na digital personality sa Pinas, may combined audience siya na higit isang million sa digital platforms tulad ng TikTok, Facebook, and You Tube.

Ang platforms din niya ang naging bukal ng inspirasyon ng mga baguhang influencers at entrepreneurs.

Sa skincare industry, siya ang tinaguriang

“Lord of Soap.”

Paliwanag naman niya, hindi raw siya nakikipagkumpetensya pagdating sa mga titulo kay Joel Cruz na may bansag na “Lord Of Scents.”

Bagkus, inspirasyon din daw niya ang success stories ni Joel.

Maliban kay Fyang, nasa pangangalaga rin niya ang mga talentadong social media influencers at Tiktokers tulad nina Zaide Diaz at Elaine Maniquiz (ZaiLane), Kosuke Umemoto at Mary Julian Cabaltera (Koshelleine), Ace Remeter at Nica Navarro (AceNic), Yance Figueroa at Angela Broma (Yanella), Kurt Ausan at Mark Denmiel Esguerra( KurFect), Keith Bryan Castel at Yuniko Cabaltera(KeithLaine), Kenneth Danks at Miles Lian Ramirez (KenLi), Luke Kendrix Torres at Patrick Valle (KenPat), Riri Navarro , It’s Showtime Ms.Q&A Talakera 2026 Grand finalist Angela Lim, Chona Vibes at Mamie Bhiee kasama si Amanda Salas bilang creative director.

Si Carancho ay nagdiwang ng kanyang ika-28 kaarawan noong Hulyo 11.