Advertisers

Advertisers

Estudyante patay sa ‘purga’ ng titser

0 3

Advertisers

HUSTSYA ang panawagan ng mga magulang ng isang Grade 4 pupil na nasawi nang painumin ng pampapurga ng kaniyang class adviser sa Trece Martires City, Cavite.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente Hulyo 2, habang Hulyo 3 pumanaw ang biktima.
Batay sa salaysay ng ina ng biktima, mismong ang class adviser ang nagpainom sa anak niya at aminado rin si-yang pirmado rin siya sa waiver.
Sa mga nakalipas na taon, pinapauwi raw sa mga bata ang gamot na pampapurga at mga magulang ang nagpapainom, subalit naiba raw ito nitong 2026.
Kuwento pa ng ina ng biktima, naabisuhan siya ng Hulyo 2 na gusto mag-halfday ng anak niya dahil sa pananakit ng ulo at pagsusuka matapos makainom ng gamot na pampurga. Lumala sa lagnat ang idinadaing ng bata kasama ang pananakit ng ti-yan.
Bunsod nito, nagdesisyon silang isugod ang anak sa ospital kungsaan tuluyan siyang pumanaw matapos ang ilang oras na gamutan.
Hinala ng mga magulang ng biktima, hindi kinaya ng kanilang anak ang epekto ng gamot dahil may nakapagsabi raw sa kanila na 400 milligrams ang ipinaiinom sa mga bata.
Samantala, napag-alamang hindi na muna pinapapasok ng school principal ang adviser ng biktima matapos ang insidente—bagay na ikinasama naman ng loob ng mga magulang ng bata. Ayon sa kanila, hindi na nakipag-ugnayan sa kanila ang guro matapos na mangyari ang insidente.
Hiling ng mga magulang ng bata, maipa-autopsy ang bangkay ng kanilang anak upang mabigyang-linaw din ang kaniyang pagkamatay.
Sa hiwalay na pahayag ng eskwelahan ng biktima, sini-guro nila ang pakikipag-ugnayan nila sa isasagawang imbestigasyon.