Advertisers

Advertisers

Denise Esteban, wish din na makapasok sa mainstream TV

0 5

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

KILALA ng mga suki ng VMX app si Denise Esteban bilang isang sexy actress. Iba ang kanyang beauty at lakas ng sex appeal, na tila magnet ito na humahatak sa mga barako.

Pero, si Denise ay hindi lang sa hubaran may ibubuga, dahil marunong umarte ang dalaga.

Actually, last year ay isang malaking hamon sa pagiging aktres ni Denise ang ginawa niyang pagtawid sa teatro. Isa siya sa naging tampok sa play na “Anino sa Likod ng Buwan.”

First time nasubukan ni Denise ito sa buong buhay niya, pero maganda ang feedback sa performance rito ng aktres.

Nang makapanayam namin siya recently, nagkuwento siya ukol sa project niya ngayon.

Aniya, “Iyong Dating Alys Perez po ang project ko ngayon, Book 2 po ito ng Seducing Drake Palma. Isa po siyang series sa Viva One, isa po itong romcom.

“Ang bida po rito ay sina Rabin Angeles at Angela Muji. Ang role ko po sa serye ay madrasta po ako ni Rabin, asawa po ako rito ni kuya Mark Anthony Fernadez.”

Sinabi rin ni Denise na hindi naman daw siya tumigil sa pagpapa-sexy sa pelikula.

“Hindi naman po kuya, medyo nagpahinga lang po, matipid na tugon niya sa amin.

Wish niya ba na sana pati sa mainstream TV ay makapasok din siya? Na tulad ng ibang sexy actress na gaya nina Ashley Lopez, Robb Guinto, Ayanna Misola, at iba pa ay nakatawid dito?

“Oo nga po, hehehe. Siyempre po kuya pangarap ko rin po na lumabas sa ganoon, sa mainstream TV.

“Sana nga po ay makalabas din ako sa TV shows, makagawa ng serye… Gusto ko rin pong makita ng mga tao na kaya ko rin pong umarte, na hindi lang po sa pagpapa-sexy ako puwede.”

Pahabol pa ni Denise, “Opo, happy ako sa kanila, hindi po kasi lahat ng sexy actress ay nabibigyan ng ganyang pagkakataon. Na sa part po nila, at least ay masasabi nilang mga nagpapa-sexy sa VMX na hindi lang iyon ang kaya nilang gawin bilang aktres.

“Sa totoo lang po, gusto ko rin na maipakita sa lahat na hindi lang po puro pa-sexy ang kaya kong gawin.

“Kaya nang nagka-chance po akong sumabak sa teatro noon, sinunggaban ko na yung opportunity po, eh.

“So, kung may darating pong offer ulit na aarte ako, na mabibigyan ulit ako ng chance like sa teatro, opo, siyempre po ay game po ako. Kung papalarin po na mabigyan ulit po ako ng chance, laban lang po tayo,” nakangiting wika pa ni Denise.