Advertisers

Advertisers

5 ‘pulis’ miembro ng ‘gapos gang’ timbog

0 3

Advertisers

ARESTADO ang limang miyembro ng “gapos gang” nang pagnakawan ang isang bahay sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City, Lunes ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagpanggap na mga pulis ang mga magnanakaw, nagpakita pa ng mga dokumentong sinasabing kaugnay ng isang operasyon nang pasukin ang naturang bahay.
Iniulat na tinalian ng mga salarin ang mga residente bago tinangay ang ilang mahahalagang gamit.
Gayunman, nakahingi ng tulong ang isa sa mga biktima na agad nirespondehan ng mga pulis.
Nasamsam mula sa mga magnanakaw ang ilang electronics device, wristwatch, 9mm pistol na may mga magasin at bala, improvised firearms, mobile phone, mask, restraints, at mga dokumentong ginamit sa kanilang pagpapanggap bilang mga awtoridad.
Kinilala ang mga tulisan sa kanilang mga alyas na “Ahorn”, “Don-Don”, “Oryong”, “Ric”, at “Beshir”. Kasalukuyang silang nasa kustodiya ng pulisya at sumasailalim sa kaukulang legal na proseso.
Patuloy ang follow-up operations ng pulisya upang matukoy at maaresto ang iba pang posibleng sangkot sa krimen.