Advertisers

Advertisers

Imee nanawagan sa pamahalaan na isapubliko ang kasunduan sa ICC

0 3

Advertisers

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa administrasyon na isapubliko ang anumang kasunduan nito sa International Criminal Court (ICC) at ipaliwanag ang paninindigan ng pamahalaan kaugnay ng patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa naturang institusyon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Marcos na nakababahala ang aniya’y tila pagwawalang-bahala ng administrasyon sa panawagan ng Estados Unidos hinggil sa ICC.

Ayon sa senador, hindi lamang usapin ng impluwensiya ng ibang bansa ang isyu kundi may kaakibat itong implikasyon sa diplomasya, pagkuha ng visa, at ekonomiya ng Pilipinas.



Giit din ni Marcos na ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng administrasyon sa ICC ay maaaring magdulot ng lamat sa relasyon ng Pilipinas sa isang bansang matagal nang itinuturing na kaalyado.

Binigyang-diin pa niya na dapat maging malinaw sa publiko ang mga kasunduan ng pamahalaan sa ICC at ang plano nito, dahil aniya, may epekto ito sa usapin ng soberanya ng bansa at sa pagtingin ng ibang bansa sa Pilipinas.



“Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Administrasyon sa ICC, maaaring magbunga ito ng lamat at panibagong gulo sa isang bansang matagal na nating itinuturing na kakampi.”

“Marapat na ilahad at isapubliko ang mga kasunduan ng pamahalaang ito at ng ICC, at ano ang plano at paninindigan nila sa pinili nilang landas, na bukod sa nilagay ang ating bansa sa kahihiyan pagdating sa usaping soberanya, ay nagsuko tayo ng kapwa Pilipino sa isang intitusyong hindi na kinikilala ng nakararami,” pagtatapos ng senadora. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">