Advertisers
By Anne Venancio
Ibinahagi ni Kapuso host Iya Villania ang naging karanasan ng kanilang pamilya sa paggamit ng online games at kung bakit mas naging mahigpit sila ng kanyang asawang si Drew Arellano pagdating sa gadget use ng kanilang mga anak.
Sa kanilang podcast na Kami Ang Inyong Mga…, ikinuwento ni Iya na dati ay tuwing weekend lamang pinapayagang gumamit ng gadgets ang kanilang mga anak. Gayunman, nagbago ito noong panahon ng pandemya nang mas madalas silang gumamit ng internet at online games.
Ayon kay Iya, napansin nila ang malaking pagbabago sa ugali ng kanilang mga anak matapos mahilig sa larong Roblox. Aniya, naging dependent ang mga ito sa laro at madalas magalit kapag inaalis ang gadgets o nawawala ang internet. Nagdulot din ng pag-aalala ang ilang horror content at jumpscare na naranasan ng mga bata habang naglalaro.
Dahil dito, nagpasya sina Iya at Drew na ipatupad ang isang buwang gadget break. Bagama’t naging mahirap ang unang mga araw, kalaunan ay nasanay ang kanilang mga anak sa bagong routine na walang gadgets.
Makalipas ang dalawang buwan, muli nilang pinayagang gumamit ng gadgets ang mga bata, ngunit hindi na ang larong naging sanhi ng kanilang pag-aalala. Ayon kay Iya, mahalagang maging mapanuri ang mga magulang sa mga online games at digital content na naa-access ng kanilang mga anak upang maprotektahan ang kanilang kapakanan