Advertisers

Advertisers

Mga natatanging Student Leader, muling pinarangalan sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards

0 12

Advertisers

Muling kinilala ni Senador Mark Villar ang mga natatanging nagsipagtapos mula sa iba’t ibang tertiary educational institution sa pamamagitan ng Mark Villar Leadership Awards, bilang pagkilala sa kanilang naipamalas na ng kahusayan sa akademya, huwarang pamumuno, integridad, at makabuluhang paglilingkod sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Ang mga pinarangalan ngayong taon ay nagmula sa Cebu Technological University – Main Campus, Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa, Laguna State Polytechnic University – Los Baños Campus, Laguna State Polytechnic University – San Pablo City Campus, Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus, Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus, Southern Luzon State University, at Tanauan City College.

Binabati ko ang lahat ng ating mga awardees sa mahalagang tagumpay na inyong nakamit. Ang pagkilalang ito ay bunga ng inyong sipag, tiyaga, at katatagan sa kabila ng mga hamon. Kasabay nito, binibigyang-pugay din natin ang walang sawang suporta ng inyong mga magulang, pamilya, guro, at mga mentor na naging katuwang ninyo sa paghubog ng inyong kakayahan at pagkatao,” ani Villar.

Hinikayat din ng senador ang mga nagsipagtapos na dalhin ang mga aral at pagpapahalagang natutunan nila sa paaralan habang tinatahak nila ang panibagong yugto ng kanilang buhay.

“Sa pagsisimula ninyo ng panibagong kabanata ng inyong buhay, dalhin ninyo ang mga aral, kasanayan, at pagpapahalagang inyong natutunan upang maging responsable, mahusay, at mapagkumbabang mamamayan. Patuloy kayong magsikap, maglingkod sa inyong kapwa, at gamitin ang inyong kakayahan upang makapag-ambag sa pag-unlad ng inyong komunidad at ng ating bansa,” dagdag niya.

Muling iginiit ni Villar ang kanyang suporta sa pagsusulong ng mga panukalang batas na magpapalawak ng akses sa dekalidad na edukasyon at magbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kabataang Pilipino.

“Naniniwala tayo na ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating bansa. Kaya patuloy nating isinusulong ang mga panukalang batas na magbibigay ng mas maraming oportunidad sa ating mga mag-aaral, tulad ng Gadget Subsidy and Internet Aid Act at Student Guidance Counseling Act, upang mas maraming kabataan ang magkaroon ng pagkakataong maabot ang kanilang mga pangarap,” ani Villar.

Sa kanyang pagtatapos, hinimok ng senador ang mga awardees na patuloy na maging inspirasyon at gamitin ang kanilang kakayahan sa paglilingkod sa bayan.

“Muli, binabati ko ang lahat ng tumanggap ng Mark Villar Leadership Awards, gayundin ang inyong mga pamilya, guro, at mga mentor. Nawa’y patuloy kayong maging huwaran ng mahusay na pamumuno, integridad, at malasakit sa kapwa. Patuloy kayong gumawa ng MARKa sa inyong mga komunidad at sa ating bansa. Congratulations sa inyong lahat!” pagtatapos ni Villar.