Advertisers
NAKUHANAN ng video ang pagtatangka ng ilang pulis na arestuhin ang veteran photojournalist na si Bullit Marquez sa kasagsagan ng tensyon sa rally sa tapat ng Aliw Theatre sa Pasay City nitong Miyerkoles.
Kwento ni Marquez, ayaw pakuhanan ng larawan ng pulisya ang pag-aresto sa isang raliyista kaya napamura siya.
Doon na raw siya sinubukang posasan ng isang pulis, dahilan para bumagsak ang kaniyang camera na napinsala.
Ayon pa sa freelance photojournalist, maaaring inakala ng mga awtoridad na kasama siya sa protesta kaya pinipigilan siya ng mga ito.
Pinalagan niya ang pulis na nang-aaresto sa kaniya at lumayo nalang sa mga ito. Pinagtanggol naman si Marquez ng ilang kasamahan sa media. – Jecelle Ricafort, DZRH