Advertisers
ISINIWALAT ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi bababa sa dalawang case studies ng umano’y ghost infrastructure projects sa Taguig ang naidokumento ng kaniyang team.
“We have documented at least 2 case studies so far. Too many P100M slope protection and drainage projects totaling P2.085B out of the P6.79B insertions under the 2025 GAA.”
“There is no turning back!,” saad ni Lacson sa kaniyang X account.
Ayon kay Lacson, ang mga iregularidad na ito sa Taguig ay gumagamit ng parehong mga modus at mga paulit-ulit na kontraktor na sangkot din sa mga kwestyunableng proyekto sa iba pang bahagi ng bansa.