PBBM personal na binisita at ginawaran ng parangal ang 2 sundalong nasugatan sa engkwentro sa Ayungin
Advertisers
PERSONAL na binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes ang dalawang tauhan ng Philippine Navy na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital ng militar sa Puerto Princesa City, Palawan, upang parangalan ang kanilang katapangan matapos silang masugatan sa isang komprontasyon sa China Coast Guard (CCG) malapit sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Binisita ng Pangulo ang dalawa sa Camp Ricarte Station Hospital, kung saan iginawad niya ang Order of Lapu-Lapu at nag-abot ng tig-PHP100,000 na tulong pinansyal bilang pagkilala sa kanilang kagitingan at sakripisyo sa pagtupad ng tungkulin.
Tiniyak din ng Pangulo sa mga nasugatang tauhan ang patuloy na suporta ng pamahalaan para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naatasang ipagtanggol ang soberanya at mga karapatang soberano ng bansa.
Matatandaang nagtamo ng sugat ang dalawa kasunod ng marahas na komprontasyon sa pagitan ng Philippine Navy at China Coast Guard personnel malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Lunes, Hulyo 20.
Isa sa mga sundalo ang pinaghahambalos sa ulo ng kahoy na baton at napinsala rin ang military rubber boat ng Pilipinas. (Vanz Fernandez)