Advertisers
MAGPAPATUPAD ng nationwide gun ban sa Lunes, Hulyo 27 ang National Capital Region Police Office (NCRPO) kasabay ng ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa NCRPO, na kanilang pinaigting ang security preparation ganun din ang intelligence monitoring.
Bantay sarado rin ang mga ruta, kalsada at magpapakalat sila ng mga Quick Reaction Teams, Explosive Ordnance Disposal units, SWAT at medical response teams.
Kasabay din nito ang pagpapatupad ng No Fly Zone at No Drone Zone sa mga lugar at pagsuspinde ng Permits to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR.
Una nang sinabi ng NCRPO na magpapakalat sila ng nasa 21,261 na mga kapulisan at magsisimula nang ipatupad ang full alert status ng dakong alas-5 ng hapon ng Hulyo 24.