Advertisers

Advertisers

Carmina, ‘pampakalma’ si Zoren

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Aminado si Carmina Villaroel na siya ang tipo ng tao na nerbyosa.

Katunayan, itinuturing daw niyang ‘valium’ o pampakalma ang kanyang mister na si Zoren Legaspi.

Katunayan, sobrang bait daw ng kanyang mister.

Hindi rin daw siya binibigyan ng rason ng kabiyak para magselos.

Bagamat, nagkakaroon daw sila ng isyu paminsan-minsan na natural lang sa isang mag-asawa, agad daw na nare-resolba nila ito at hindi pinalilipas ang araw na hindi sila nagkakaayos.

Nang may lumabas daw na blind item noon tungkol sa power couple na ‘on the rocks’ ang marriage, dedma lang daw ang kanilang naging attitude.

Pero nang may mang-urot daw sa kanila, na-flatter daw sila sa halip na mainis dahil sa bansag na ‘power couple.’

Ayon pa sa actress, naniniwala siyang ang paglokoko ay nagsisimula kapag ang mga sangkot sa relasyon ay tumitigil na sa pagpapahalaga sa bawa’t isa.

Hirit pa niya,napaka-importante rin daw ng respeto at bukas na komunikasyon sa isang relasyon.

Dagdag pa niya, patuloy pa rin daw nilang ini-explore ang misteryo ng bawa’t isa kaya hindi sila nagkakasawaan.

***

MTRCB, ipinatawag ang ‘It’s Showtime’ sa gitna ng mga reklamo tungkol sa 24 Hulyo 2026 episode nito

IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng “It’s Showtime” sa gitna ng mga reklamo ukol sa 24 Hulyo 2026 na episode ng noontime show na may diumanong inappropriate na eksena at racially insensitive at colorist na komento.

Ayon sa notice to appear, nakatanggap ang Ahensiya ng maraming ulat at reklamo mula sa mga concerned citizen tungkol sa episode at sa mga kilos at salita ng TV host at comedian na si Vice Ganda.

Inutusan ng MTRCB ang GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation bilang respondents na dumalo sa isang hearing ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee. Ang hearing ay gaganapin sa 29 Hulyo 2026, Miyerkules, 10:30 a.m.

Maaaring magpadala ng kinatawan o abogado ang mga respondent sa hearing. Bago o sa takdang araw ng hearing, dapat silang magpakita ng proof of authority na sila ang inatasang kinatawan ng mga respondent.

Ayon sa mga natanggap na ulat at reklamo at sa isang ulat ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) ng Ahensya, ang tinutukoy na insidente ay ang “Memerimar” skit sa “Laro Laro Pick” segment ng nasabing noontime show.

Inireklamo ng mga concerned citizen ang diumano’y racist at colorist na pahayag ni Vice Ganda at ang “lugaw” scene nina Vice Ganda at Ion Perez.

Bago matapos ang 25 Hulyo 2026 episode ng “It’s Showtime,” humingi ng tawad si Vice Ganda para sa mga biro na kanilang sinabi sa nakaraang episode.

Sabi ng MTRCB, nais malaman ng Ahensya kung ang “It’s Showtime” ay tumupad sa provisions ng Section 3(c) ng Presidential Decree No. 1986 na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng TV programs na “contrary to law, good customs, public order, public morals, or are otherwise objectionable.”

Dagdag ng MTRCB, ituturing nilang waiver ng karapatan na maghain ng ebidensiya kung hindi dadalo ang mga respondents at ireresolba ng Ahensiya ang isyu base sa mga records na kanilang hawak.