Advertisers

Advertisers

Viral Alert! PINASEXY CHALLENGE Nagbabalik ng Saya at Excitement sa Digital Entertainment

0 14

Advertisers

By Mercy Lejarde

Handa na ang isang bagong online entertainment show na siguradong pag-uusapan sa social media!

Malapit nang ilunsad ang PINASEXY CHALLENGE, isang exciting challenge series na magtatampok sa walong (8) kilalang social media personalities na magpapakitang-gilas sa iba’t ibang masaya, nakakakaba, at hindi inaasahang hamon.

Kabilang sa mga tampok na influencers sina Vannesa Raval, Queen Money, DJ Justine Joyce Dayag, Trixie Escosis, Tei Escosis, Aki Mitu, Nikkie Millares, at Eunice Andrea.

Haharap ang mga kalahok sa samu’t saring challenges na susubok sa kanilang diskarte, tapang, at personalidad. Bukod sa kompetisyon, asahan din ang mga nakakatawa at viral-worthy na eksena na tiyak na magpapasaya at magpapakilig sa mga manonood.

Ayon sa production team, layunin ng PINASEXY CHALLENGE na maghatid ng sariwa at kakaibang digital entertainment na puno ng saya, excitement, at mga hindi inaasahang pangyayari na magbibigay-aliw sa online audience.

Patuloy na ang paghahanda para sa opisyal na premiere ng programa. Hinihikayat ang publiko na tutukan ang official social media pages ng PINASEXY CHALLENGE para sa mga susunod na anunsyo tungkol sa petsa ng paglulunsad at iba pang updates.

Abangan ang PINASEXY CHALLENGE. Malapit na!

***

Nananawagan ng donasyon ng dugo ang aktor na si Martin Del Rosario para sa kanyang ama, na sumailalim sa isang quintuple heart bypass surgery o limang bypass sa puso.

Kamakailan ay nag-guest si Martin sa Fast Talk with Boy Abunda. Sa panayam, ibinahagi niya ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang ama, na nananatili pa ring naka-confine sa intensive care unit (ICU) matapos ang isinagawang operasyon.

Nang tanungin ni Boy Abunda kung kumusta na ang kanyang ama, sinabi ni Martin, “Nasa ICU pa rin ‘yung dad ko kasi kailangan ko ng 16 bags ng blood kasi nanghiram lang kami ng blood sa Heart Center.

“So nag-undergo siya ng quintuple heart bypass. So ngayon okay na siya, safe na siya sa ICU. So thank you sa mga doctors niya.”

Tinanong naman ni Boy kung kailangan pa rin nila ng dugo.

“As of now, need pa namin. Mga six pa lang eh, so mga 10 pa,” sagot ni Martin.

Nang tanungin ng King of Talk kung saan maaaring magbigay ng donasyon ng dugo ang mga nais tumulong, ani Martin, “Pwede kayong mag-donate sa Heart Center. May screening lang at sobrang malaking tulong na ‘yun para sa amin kung makakapag-donate kayo ng blood.”

Nagpahayag din si Martin ng taos-pusong pasasalamat sa mga doktor na nagsumikap upang mailigtas ang buhay ng kanyang ama.

Ayon sa aktor, “Kasi fatal ‘yun eh, ‘yung limang bara. Usually, ‘yung tatlo lang ay nakakamatay. Buti na lang nakuha namin nang maaga ‘yung kondisyon ng dad namin.”

Sa panayam, napag-usapan din ang madalas na pagganap ni Martin sa mga karakter na gay.

Tanong ng mahusay na TV host na si Boy,
“Bakit sa inyong palagay, bakit magpahanggang ngayon stigmatized ang pagiging bakla? Bakit?”

Ayon kay Martin, nananatili ang stigma dahil marami pa ring konserbatibo at sarado ang pag-iisip.

Aniya “Siguro marami pa rin kasi ang sobrang conservative, very close-minded. Medyo hindi naman sabihin nating backwards kasi marami na ngayon ang tumutulong para maging open ang lahat. Pero deep inside, maraming tao na kahit sabihin mong open sila sa mga gay relationships, meron pa ring judgemental.”

Tinanong din ni Boy kung hindi ba siya natatakot na ma-typecast o lalo pang mapalakas ang mga tsismis tungkol sa kanyang sekswalidad dahil sa madalas niyang pagtanggap ng gay roles.

Sumagot si Martin, “Hindi, hindi ako natatakot. Simula nung bago pa lang ako until now, gumagawa ako ng gay roles. As long as maganda ang story, ikagaganda ito ng takbo ng career ko. And I see to it na bawat gay role na ginagawa ko, iba-iba naman. So hindi ka mata-typecast as long as hindi pare-pareho ang binibigay mo.”

Nang tanungin naman kung paano siya tumutugon kapag kinukuwestiyon ang kanyang sekswalidad, sinabi niyang hindi na ito nakaaapekto sa kanya.

Ani Martin, “Ay wala. Hahaha, wala as in. Kahit mag-gossip o kahit imbestigahan pa nila ako, hindi ako naaapektuhan kasi simula nung pumasok ako sa showbiz, which is 16 years ago, hanggang ngayon may ganyan. Parang manhid ka na. I don’t care.”

Ibinahagi rin ni Martin kung paano siya naghahanda para sa mga intimate scene.

Ayon kay Martin, “Imamanhid ko na yung sarili ko. So gusto ko sa rehearsal, kung kailangan maghubad, ihuhubad ko na. Ayokong maapektuhan ‘yung take. Para pagdating sa take, hindi na siya bago. Hindi na siya blank sa brain mo.”

Well, in fairness, gwapo na, magaling na aktor pa si Martin del Rosario.