Advertisers

Advertisers

Legarda: Alisin ang TRO, ipatupad ang P85 NCR wage hike nang walang pagkaantala

0 7

Advertisers

UMAPELA si Senadora Loren Legarda sa agarang pag-alis ng temporary restraining order (TRO) na pumigil sa pagpapatupad ng dagdag na P85 sa arawang minimum wage sa Metro Manila. Binigyang-diin niya na hindi dapat pasanin ng 1.1 milyong manggagawa ang bigat ng kasong isinampa ng dalawang kumpanya.

Isa si Legarda sa mga nag-akda ng Senate Resolution No. 577 na nananawagan sa agarang pagpapatupad ng Wage Order No. NCR 27.

Matapos ang konsultasyon sa pagitan ng mga manggagawa, employer, at pamahalaan, ipinatupad ang Wage Order No. NCR 27 noong Hulyo 25, 2026, na nagbigay ng P60 dagdag-sahod. Nakatakdang sundan ito ng P25 sa Enero 20, 2027. Kapag ganap na naipatupad, tataas sa P780 ang minimum wage sa NCR para sa non agriculture sector, at P743 para sa agrikultura, serbisyo, retail, at maliliit na pabrika na may sampu o mas kaunting manggagawa.



Binanggit ng resolusyon ang 1987 Konstitusyon at Republic Act No. 6727 o Wage Rationalization Act, na nagtatag ng tripartite wage setting system at nagbabawal sa mga hukuman na maglabas ng injunction laban sa wage orders.

Noong Hulyo 30, 2026, naglabas ng TRO ang Branch 152 ng Regional Trial Court ng Pasig matapos ang petisyon ng Readycon Trading and Construction Corporation at R II Builders, Inc. Nagbabala ang mga senador na nagtatakda ito ng mapanganib na precedent, kung saan ang sahod ng milyun-milyong manggagawa ay maaaring maantala dahil sa pagtutol ng iilan.



Ipinunto ni Legarda na bagama’t hindi sapat ang P85 upang sagutin ang lahat ng pangangailangan, ito ay tunay na kita na isinama na ng mga manggagawa sa kanilang gastusin sa pagkain, pamasahe, kuryente, renta, edukasyon, at kalusugan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">