Advertisers

Advertisers

HIGH TIDE SA MANILA BAY, ANG NAGPALALA NG BAHA SA PARAÑAQUE – MAYOR OLIVAREZ

0 4

Advertisers

Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ang high tide sa Manila Bay ay nagpalala ng pagbaha sa lungsod noong weekend.

“‘Yong Parañaque River, ‘yong tubig ng Las Piñas, Muntinlupa, diyan din dumadaan. Kapag nag-high tide po ‘yan, hindi makalabas ‘yong tubig doon sa mga drainage … Kapag nawala si high tide, ang bilis naman lumalabas ng tubig kaagad,” sabi ni Olivarez

High tide ang Manila Bay noong Sabado na kasabay ng monsoon rains, dahilan upang tumaas ang tubig-baha sa iba’t ibang bahagi ng Parañaque.

Pinuna ng ilang netizens si Olivarez dahil lumubog sa tubig baha ang mga mababang lugar tulad ng Pascual Compound at San Antonio Valley 2.

Dahil sa mga pagpuna sa hindi epektibong mga proyekto sa pagkontrol sa baha, sinisisi ng alkalde ang pagbabago ng klima.

“Iba na ang volume (ng ulan) ngayon dahil sa climate change. Ang ulan talaga, ‘yong millimeter, ang laki. All over Metro Manila, makita natin ang baha talaga. Dito, ginagawa natin ng paraan lahat ng mitigation (efforts), pati ‘yong dredging,” – sabi niya.

Ayon kay Olivarez, tinatalakay ng Metro Manila Council ang mga planong pagtatayo ng floodgate sa bukana ng Parañaque River na maaaring isara tuwing high tide ang Manila Bay. (RONALD BULA)