Advertisers

Advertisers

DOJ, natanggap na ang pormal na extradition request ng Amerika kay Quiboloy

0 3

Advertisers

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nila noong nakaraang Biyernes ang pormal na hiling ng Estados Unidos para sa extradition ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa DOJ, pinag-aaralan pa nila ang request ng Estados Unidos para dalhin sa kanila o i-extradite si Quiboloy at dalawa pang indibidwal na kapwa nito akusado.

Ayon kay Chief State Counsel Dennis Arvin Chan, wala pang eksaktong timeline kung kailan naman maihahain sa korte ang request para desisyunan kung maaaring ipatupad ang extradition.



Bagama’t hindi pa masabi ngayon kung ipapadala nga sa ibang bansa si Quiboloy ay sinabi ni Chan na mahalagang sumunod ang Pilipinas sa mga kasunduan upang hindi sumama ang imahe natin sa ibang bansa.

Patuloy naman aniya na uusad ang mga kaso na kinakaharap ng religious leader sa mga lokal na korte kahit dinidinig ang peti-syon para sa kaniyang extradition.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">