Advertisers
Ni Anne Venancio
Ipinamigay ni Heart Evangelista sa charity ang diamond ring na regalo sa kanya ng kanyang ex matapos ang kanilang masakit na hiwalayan.
Ibinahagi ng aktres ang kuwento sa GMA game show na “The People Have Spoken” habang sinasagot ang tanong tungkol sa gagawin sa mga regalo ng karelasyon na nagtaksil.
Ayon kay Heart, isang heart-shaped diamond ring ang ibinigay sa kanya ng dating dyowa na nag-propose sa kanya.
“Heartbroken ako, pinamigay ko sa charity,” kwento ni Heart.
Bukod dito, binenta rin ng aktres ang kuwintas na regalo sa kanya.
Matatandaang bago pakasalan si Sen. Chiz Escudero noong 2015, naging bahagi rin ng love life niya ang ilang kilalang aktor.