Advertisers
Ni Beth Gelena
May mga opinyon ang isang netizen sa fandom ng SB19 at BINI.
Pinost niya sa Threads ang kanyang saloobin.
Aniya: “Pinanood ko performances ng BINI at SB19 sa Japan since pareho silang tourism ambassadors. “Na curious din ako kasi laging nagbabangayan fans nila at nagpapataasan ng ihi.
“In fairness, magagaling naman pero yung level ng galing hindi akma sa yabang ng fans.
“BINI, magaling sumayaw pero ang lakas ng playback at may members na halatang lipsync.
“SB19 naman, in fairness magaling talaga sila kumanta at live vocals lahat ng members, pero mahina ang choreography, parang old school na yung steps hehe. ”
Ang hindi raw niya magets ay kung bakit nag-aaway lagi ang fandoms, samantalang kapag napapanood naman TV Patrol, magkaibigan naman daw ang dalawang grupo.
“Yung fans nila, parang mga timang. Mga war freak Hahahaha nang bu-bully pa kapag may opinyon ka sa idols nila hahaha”
Nagkomento naman ang isang netizen na pinagtatanggol ang choreo ng SB19: “Wow thanks for seeing SB19! Glad you appreciate their vocals! As per choreo, this is the first time i saw a comment that says its old school but i guess its subjective naman po, so its all okay… since kasi strong and vocally demanding mga songs nila so they made choreos more like… complementary. Their choreos are strong movements and they move a lot not just sa choroes but when engaging with crowd”
“Sige tatanggapin namin kung di mo type choreo ng SB19 kasi ganun talaga di lahat mapplease mo. pero pustahan di tatanggapin ng blooms na ang lakas ng backtracking at naglilipsync idols nila kahit halata naman”
“i wouldn’t say old school ang choreo nila, but i would say it’s timeless. yung mga choreo kase nila is yung hindi sabay sa uso, kaya di ka macricringe if makikita or sasayawin mo after few years mula nung narealease sya. feel ko rin sinasadya nilang ganyan ang mga choreo nila since gusto nilang nagpasasabay ang pagsasayaw at pagkanta.”
Paliwanag ng isang commenter, nagexplain na raw before ang choreographer ng grupo, “na need nila ibalance or iadjust ang choreo para makakanta pa din sila ng live.”
“korek. kung matitinding choreo lang, kayang-kaya ituro ni Jay ‘yan. alam naman natin kung anong grupo ang pinanggalingan ng choreographer nila. but he has to adjust, for SB19 are not just dancers but SINGERS WHO REALLY SING LIVE WITH ALMOST NO BACKTRACK.”
“Obob ata Gusto ata tumabling ang Esbi the mere fact na kumakanta sila ng LIVE HA ulitin ko LIVE hindi Lipsync and most of their songs are hype and may mga high notes and falsetto so ano expect ka ng complicated choreo sa Dance break na nga lang sila bumabawi ng choreo e kasi stop ung vocals nila dun kung ikaw nga maglakad ka habang kumaknta hingal ka sigurado sila pa kaya haist daming obob sa mundo dumagdag ka pa”
“Both groups has toxic fans lng talaga but most of them are ok naman. Natatabunan lng ng negativity kasi. Thanks for appreciating SB19’s LIVE VOCALS. Monster vocalists yan sila.”
Hay naku, dami talagang fans ng grupo, lalo na ang SB19.
Kanya kanyang komento ng fans sa pagtatanggol sa kanila.
Ang fandom ng BINI ayaw pumayag na may naglilipsync sa Blooms, tinitira naman ang choreography ng A’TIN.