Advertisers

Advertisers

Meme Vice at Vhong ini-spoof si Mariel at Robin sa It’s Showtime

0 3

Advertisers

Ni Beth Gelena

Sa It’s Showtime kahapon (August 15) pinansin ni Vice Ganda ang kasuotan ni Vhong Navarro kung saan naka top ang huli.

Ani Meme Vice: “hiniram mo pa talaga costume ni Robin Padilla sa Kung Sino Ka Man.

Bigla namang kumanta si Vhong ng Mahal Kita…. saka ginaya rin ang sinabi ni Binoe na ‘my goodness.’

Bwelta uli ni Meme Vice, ‘galing talaga nito no? ‘

Tanong ni Jhong Hilario, ‘bakit..bakit?’

“Nakakapagpapasa ng batas sa bilibid! hagalpakan naman ng tawa ang nasa loob ng Studio.

Ang nasabing bardagulan ni Vhong at Meme Vice ay pinost ng netizen sa Threads.

““magaling talaga ‘to nakakapagpasa ‘yan ng batas sa bilibid. ikaw talaga, puro ka kalokohan.” the shade. get him madam.

“Napanuod ko to kahapon tawang tawa ako hhahaahhaahhaha”

“sunog!!!! na real talk ka tuloy Mariel”

“Anu kea anas ni aling @marieltpadilla”

“Baka marealtalk pa sya pa lalo ni Meme pag minalditahan sya”

May nagsabi namang may maa-unfollow na naman daw si Mariel.

Huh, sana wala nang ganun… Dati silang magkakasama sa it’s Showtime at alam ni Mariel kung papano magbardagulan ang mga host sa noontime show.

Just saying!!!!