Advertisers

Advertisers

“Huwag Magmadali!” Dennis Trillo, May Payo Kay Calix

0 4

Advertisers

Ni Camille Guarin

Kamakailan lang ay nag-guest ang aktor na si Dennis Trillo sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan napag-usapan ang kanyang panganay na anak na si Calix, anak niya sa beauty queen na si Carlene Aguilar.

Sa panayam, tinanong ng “King of Talk” na si Boy Abunda kung ano ang kanyang paalala kay Calix pagdating sa pag-ibig at buhay.

“Pagdating sa pag-ibig at sa buhay, ano ang paalala mo sa panganay mong anak?” tanong ni Boy.

“Paalala ko sa kanya na huwag siyang magmadali. I-enjoy niya lang ‘yung buhay niya kung may girlfriend man siya,” sagot ni Dennis.

Nang tanungin naman ni Boy kung may girlfriend na ngayon si Calix, pabirong sagot ni Dennis, “Ngayon, meron, Tito.”

Ibinahagi rin ng aktor na ipinakilala na sa kanya ng kanyang anak ang nobya nito.

“Pinakilala niya sa inyo?” tanong ni Boy.

“Pinakilala na niya. Fencer din po siya,” sagot ni Dennis.

Samantala, tinanong din ni Boy kung anong pagkakamali niya sa buhay ang ayaw niyang maulit ng kanyang anak.

“Syempre, ayoko na makabuntis siya nang wala sa oras. Gusto ko prepared at alam mo ’yun, siguradong kaya niyang panindigan lahat ng responsibilities kapag nangyari ’yun,” pahayag ni Dennis.

Dagdag pa ng aktor, mahalaga rin para sa kanya na palaging pinaaalalahanan ang kanyang anak na maging maingat sa mga desisyon nito.

“Mag ingat palagi dahil, syempre, ‘yung mga bata ngayon, mga mapupusok, ’di ba? Minsan, hindi natin alam kung ano yung mga ginagawa nila. So, mga paalala lang talaga ‘yung magsisilbing reminder every day sa kanila,” ani Dennis.

Korek ka diyan, Dennis! Ang paalala ay gamot sa taong nakakalimot.