Advertisers
Nitong ika-13 ng Agosto taong ito, naglahad ng panibagong salaysay si retiradong Philippine Marine Sergeant Orly Guteza hinggil sa pagkakasangkot niya sa malaking halaga ng pera na umano’y idiniliber niya sa bahay ni dating HoR Speaker Martin Romualdez nuong kasagsagan ng implementasyon ng Flood Control Project ilang taon na ang nakakaraan.
Tahasang binawi ni Guteza ang nauna niyang sinumpaang salaysay dahil ayon sa kanya sina Rodante Marcoleta, isang Senador ng minorya na ngayo’y nakakulong sa QC Jail at Mike Defensor, dating kinatawan ng Lungsod ng QC na sumunod na ikinulong, ang nag-amuki sa kanya na humarap sa pagdinig sa Senado at duo’y nanumpa na siya ang naghatid ng di mabilang na halaga ng pera sa tinitirhan ni dating House Speaker Martin Romualdez.
Maaalalang naging tampok na testigo ng mga maka-Duterte si Sarhento Guteza at ang katawa-tawang pagganap niya sa pagdinig na ipinatawag ng lupon ni Marcoleta — na nuong isalang si Guteza bilang isang “surprise witness” ay kinagalitan, kulang na lang na kastiguhin ni Marcoleta sa harap ng milyon-milyong PILIPINO nanunuod sa television—dahil uma-“adlib” pa habang isinasalaysay ang “ginawang kalatas nina Marcoleta at Defensor” tungkol sa pagsasangkot kay Romualdez sa ma-anumalyang Flood Control Project insertions o pondong laan sa paggamit ng mga Senador at Congressman para ma-“alleviate” ang kondisyon ng mga mamamayan sa kani-kanilang nasasakupan.
Trending ngayon ang post ng grupong Impact Leadership ang sinabi ni Guteza — ” Dala ng takot at pangamba lahat ng nakalahad sa affidavit na kanilang ginawang ay aking nasabi na nasaksihan kahit hindi ito totoo. xxxxxx Ang pamimilit sa akin nina Sen Marcoleta at Former Congressman Mike Defensor na ikinatakot ko kaya napaniwala nila ako sa mapanlinlang na salita para gamitin sa sarili nilang kapakanan”.
Dagdag ni Guteza na bago siya iniharap nina Marcoleta at Defensor sa Senate BRC hearing nuong Sept. 24, 2025 kinausap siya ng dalawang MAMBABATAS sa isang Japanese restaurant sa Sofitel Hotel. Sinabi ni Guteza na si Defensor ang nagutos sa kanya na sabihin niya sa pagdinig na ang perang idiniliber niya kay Romuadez sa kanyang tirahan ay galing sa tirahan ni dating congressman Zaldy Co na galing naman sa DPWH. Sinabi ni Guteza na di niya aktual na nakita ang sinasabing delivery pero pilit siyang ginigipit kaya napapayag na siya.
Sinabi rin ni Guteza na dumating nuon si Marcoleta at nirepaso ang kanyang affidavit na gawa umano ng manugang ni Defensor. Sinabi umano sa kanya na siya ang “missing link” upang matagumpay na mai-connect ang mga paratang laban kay Romualdez.
Ayon pa rin kay Guteza, si Marcoleta ang nagsabing siya mismo ang tumestigo dahil ang dalawang nababanggit na Paul at Mark ay hindi pupwedeng magamit para tumestigo. Dugtong pa ni Guteza na pinangakuan siya ng pera at scholarship sa pagaaral ng kanyang mga anak.
Ayon pa kay Guteza, ni minsan ay di niya nakita si Romualdez sa sinasabing address sa Forbes Park. At idinagdag pa ni Guteza na isang tauhan ni Marcoleta ang nagsabi sa kanya at nagbigay ng contact number ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon para umano I-revise ang kanyang affidavit para magamit sa pagpa-file ng pinaplanong kaso.
Bago “bumaligtad” si Guteza sa kanyang unang testimonya…may nauna nang 3 dating tauhan ni Zaldy Co na bumawi ng kanila-kanilang mga unang salaysay. (x)