Advertisers

Advertisers

PULIS, 2 GUN DEALERS TODAS SA BARILAN

0 4

Advertisers

NASAWI ang isang police officer at dalawang kilalang ilegal na gun dealers sa isang entrapment operation na nauwi sa putukan madaling-araw ng Linggo, Agosto 23, sa Pagadian City.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 (PRO-9) at mga lokal na opisyal ng Pagadian City na nasawi si Police Major Aiman Khuzaimah Pantaran, hepe ng intelligence unit ng Pagadian City Police Station, nang tamaan ng bala sa dibdib nang magkabarilan.
Ayon sa imbestigasyon, ang operasyong pinlano ni Pantaran at ng kanyang mga tauhan ay pumalya nang mabatid ng magkapatid na Janie Bravo Gomez at Jerry Bravo Gomez na ang kanilang ka-transaksyon sa bentahan ng baril sa Purok Malipayon, Barangay Dao, Pagadian City ay mga pulis na nakasibilyan.
Ayon sa mga lokal na opisyal, ilang beses nang nakulong ang magkapatid dahil sa iba’t ibang kasong kriminal.
Sinabi rin ng PRO-9 at ng mga miyembro ng Pagadian City Peace and Order Council na ang magkapatid ay kilalang nagbebenta ng mga hindi lisensiyadong baril, at sangkot din sa kalakalan ng shabu at marijuana.
Idineklarang dead on arrival sa pagamutan sina Pantaran at ang magkapatid na kriminal.
Iniulat din na ang magka-patid ay may kaugnayan sa mga grupong kriminal sa Lanao del Sur na na-neutralize ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) noong nakaraang taon, sa tulong ng intelligence personnel ng 103rd Infantry Brigade ng 1st Infantry Division.