Advertisers

Advertisers

Amy Austria 6 taon nilabanan ang pagkalulong sa droga

0 2

Advertisers

  • Ni Anne Venancio

Ibinahagi ng beteranang aktres na si Amy Austria ang kanyang pinagdaanang pakikipaglaban sa pagkalulong sa ilegal na droga at kung paano siya tuluyang nakabangon sa tulong ng kanyang pananampalataya.

Ayon kay Amy, umabot ng anim na taon ang kanyang pakikipagbuno sa bisyo bago niya napagtantong kailangan na niyang tuluyang huminto.

Ikinuwento rin niya ang hirap na kanyang pinagdaanan dahil sa matinding withdrawal. Aniya, nahihirapan siyang kumilos at gawin ang mga karaniwang gawain kapag hindi siya gumagamit, dahilan upang paulit-ulit siyang bumalik sa bisyo kahit nais na niyang tumigil.

Nagbago ang kanyang pananaw nang imbitahan siya ng aktor na si Christopher de Leon na dumalo sa Oasis of Love retreat.

Doon, sinabi ni Amy na isinuko niya sa Diyos ang kanyang problema matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa bisyo.

Sa kanyang karanasan, nais din ng aktres na maging paalala ito sa iba, lalo na sa mga kabataan, tungkol sa epekto ng ilegal na droga.

Umaasa rin siya na hindi na gumagamit ng ilegal na droga ang mga kabataang artista ngayon.

Samantala, kabilang si Amy sa cast ng isang pelikulang pinagbibidahan din ni Maricel Soriano.