ON HER FILM PLUMP BLOSSOM… “NA-INSPIRE AKO NA GUMAWA NG TABACHINGCHING PRINCESS!” — ROSSANA HWANG (PRODUCER/WRITER
Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Tinanong namin si Rossana Hwang kung bakit niya naisipang isulat at i-produce ang English-language animated musical film na “Plump Blossom” mula sa kanyang Kapitana Entertainment Media.
“Kasi when I was in Shanxi Museum (sa China) nagulat ako sa mga pictures nila ganun, matataba, malalaki ang tiyan tapos double chin.
“So ang sabi noon pala ang taba is beauty, fat is beautiful.
“That was 1400 years ago, that was the Tang Dynasty 1400 years ago.
“Di ba dati ang mga anak natin gusto nating palusugin, mga babies, the more lusog mas cute?
“Ngayon hindi na, ayaw nilang malulusog ang mga bata.”
Ibig sabihin noong araw ay maituturing na status symbol ang pagiging mataba.
“Yes,” bulalas ni Rossana, “1400 years ago, during that time, during the time of Plump Blossom.”
Ang kuwento ng pelikula sa fictitious Huang Dynasty ng ancient China ay tungkol sa isang matabang prinsesa na mahilig kumain, si Princess Ruo Hua (o Plump Blossom) na nagbalatkayong katulong upang matupad ang passion niya sa pagluluto.
Pagpapatuloy na paglalahad ni Rossana kung bakit nabuo ang “Plump Blossom”.
“So nung nakita ko, na-cute-an ako so naisip ko gusto kong gumawa ng tabachingching na princess.
“Na-inspire ako na gumawa ng tabachingching princess, na ano siya, yung talagang princess siya in all her regalia, yung ganun.
“Tapos gumawa ako ng isang story… ito hindi tunay na story, everybody’s asking me if it’s historical, sabi ko fiction lang ito.
“And I wrote about border unrest, ganun-ganun, she met this general, like this, like that. Pero yung war na ano, konti lang, sa surface lang, mas marami akong… because this is a princess movie, the whole focus is about the princess.”
Bakit animation ang napili niyang medium ng kanyang pelikula?
“Mas madali,” sinabi ni Rossana, “pag sinabi mong luhod, luhod siya, pag sinabi mong tayo, tayo. Tapos walang late sa shooting, walang buwisit na personality na ayaw mag-promote-promote,” ang nakakaaliw nguni’t pagpapatotoong wika ni Rossana.
“Tingan mo naman ang princess ko, naging mag-ina ang dating namin,” pagtukoy ni Rossana kay Candice Tan na magbibigay-boses sa karakter ni Princess Ruo Hua.
Ang “Princess Blossom” ang kauna-unahang Filipino animated film na gagamit ng uso ngayong A.I. o Artificial Intelligence.
Ilang percent ang A.I. sa pelikula?
“Hybrid siya e,” saad ni Rossana. “Because from the very beginning it was human. The storytelling is human, the writing was human, the editing was human.
“And then we just directed the A.I. We directed it to, ‘O patayuin mo ang princess.’
“Tayo ang princess, iyak, iyak ang princess. Ganun, tawa, tawa, ganun.
“From the very beginning it was like that.
”And then we added human voices, puwede ka namang mag-A.I. voice e, pero ayaw namin, gusto namin human.”
Bukod sa trilingual host at social media star na si Candice, ang iba pang tunay na tao na nagboses sa mga karater sa “Plump Blossom” ay sina Don Puno (a former MTV VJ-turned-entrepreneur) bilang General Jian, ang book author na si Gutch Gutierrez bilang Chef Bao, ang church pastor na si Chad Williams bilang si General Feather, ang content creator/chef/restaurateur na si Thunderson Tan bilang si Assistant Chef Wen, ang pastor na si Yeng Her bilang Yuan Yuan the Pekingese, at ang theater actor/singer na si Audie Gemora bilang Emperor.
Ipapalabas sa mga sinehan sa buong bansa ang “Plump Blossom” simula sa September 23.