Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Kung napanood dati si Angel Castro (na noon ay Claire Castro) sa GMA sa seryeng Makiling noong 2024, ngayon naman ay sa My Bespren Emman ng TV5 lalabas ang dalaga.
Sa My Bespren Emman ay gaganap si Angel bilang babaeng liligawan ng karakter ni Mike “Pekto” Nacua.
Tahasang inamin ni Angel na naiilang o na-o-awkward-an siya na maging artista ng My Bespren Emman dahil isa itong religious program.
“To be honest, nailang po ako kasi, di ba, po yung My Bespren Emman is a religious show?
“I am religious po, but people think kasi na when you are a sexy star, that’s who you really are, which is far from the truth.
“Because to be honest, I’m not really a sexy… I don’t think of myself as a sexy person all the time.
“Actually, when I have to be sexy, I find it very awkward,” pagtatapat ni Angel.
Hindi naman raw porke sexy star siya ay ganoon na rin ang pagkatao niya kahit wala sa harap ng kamera.
“So may tinanong din po ako, ‘Hindi ba magkakaroon ng reaksyon yung mga tao? Bakit may VMX sa My Bespren Emman?’
“Because it’s a religious show.
“But you know what, I’m just honored po na naka-work ko po yung mga magagaling na artista dun.
“I know myself, I don’t need to anticipate yung mga magiging reaksyon ng mga tao.”
Sa Sex Drive ay mapapanood si Angel kasama sina Apphle Celso, Juan Calma at Benz Sangalang, sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr. at mapapanood na simula ngayong August 28.
Speaking of Benz, sinabi ng tinaguriang VMX King na si Angel ang number 1 na female star ngayon sa VMX.
Ano ang reaksyon ni Angel dito?
“Hindi ko po in-expect. At the same time, in-expect ko. “Does that make sense?
“Because Direk Rodante, his films do really well. But at the same time, I do not expect it for myself.”
Napakalakas at isang malaking tagumpay ang unang pelikula ni Angel sa VMX, ang Creampie ng direktor na si Rodante Pajemna.