Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Para sa mga katkatera at sawsawera, masakit sa tenga ang naging pahayag ng dating manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan na may bigger stars pa siya kumpara sa dating alaga after their falling out.
Dahil dito, na-curious ang mga nagmamarisol sa roster of talents ng nasabing talent manager.
Nasa listahan ng talents ni SK sina Andrea Brillantes , Coco Martin (for endorsements), Agot Isidro, Helen Gamboa, Albert Martinez at Hilda Koronel.(semi-retired).
Kung tutuusin, ang pinaka-aktibo sa mga ito ay sina Andrea at Coco.
No doubt namang malaking pangalan si Coco.
Sa kaso naman ni Andrea Brillantes, marami namang nagmamahadera ang nagtaas ng kilay.
Kumpara raw kasi sa achievements ni Bea, marami pang bigas na kakainin si Blythe.
Dahil sa paglutang ng pangalan ng mga nasabing personalidad, lumabas agad ang samu’t-saring reaksyon ng kibitzers.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“Marami nang napatunayan si Bea kesa kay Andrea. Hit ang kanyang movies with John Lloyd. She’s also a box office quuen.”
“Ang bentahe lang ni Blythe, mas bata siya at sariwa.Pero, in terms of hit movies and projects, wala pang major major akong naalala.”
“Baka naman tinutukoy niya si Hilda na isang icon na sa Philippine movies although hindi na siya ganoon ka-active.”
“Ang alam ko kay Coco, endorsements lamang ang hina-handle niya at hindi movies at teleserye projects.”
“Iconic at markado para sa akin ang Basha character ni Bea in her movies. Si Andrea maliban sa Kadenang Ginto na kasali niya si Francine wala pa siyang super hit na serye at movie.”
“She is TC Candler’s Most Beautiful Face of 2024.”
“Sa GenZ parang mas kilala naman talaga si Andrea kesa kay Bea.”