Advertisers
PINABALIK sa kanilang pinanggalingan ang isang convoy ng Moro Islamic Liberation Front o MILF 131st Brigade matapos itong harangin para sa beripikasyon sa checkpoint sa Barangay Libertad, Kolambugan, Lanao del Norte.
Ayon sa Lanao del Norte Police Provincial Office o LDN PPO, 7:30 ng umaga nitong Setyembre 2 nang magsagawa ng checkpoint operation ang mga tauhan ng 1st Provincial Mobile Force Company, katuwang ang 5th Mechanized Battalion ng Philippine Army.
Binubuo ng 23 sasakyan at limang motorsiklo ang convoy na dumaan sa lugar.
Sa isinagawang beripika-syon, hindi nakapagpakita ang grupo ng kinakailangang dokumento o patunay ng naunang koordinasyon sa mga awtoridad hinggil sa kanilang paggalaw.
Dahil dito, sa halip na ituloy ang kanilang pagdaan, ineskortan ng mga tauhan ng PNP at AFP ang convoy pabalik sa kanilang pinangga-lingan sa Picong, Lanao del Sur.
Hinimok din ng opisyal ang mga kinauukulang grupo na tiyaking may tamang koordinasyon bago magsagawa ng organisadong paggalaw, lalo na kung malalaking convoy ang sangkot.
Samantala, nagsagawa ng General Assembly sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong Huwebes ang BIAF-MILF, kungsaan tinanggal nila ang ilang opisyal.
(Mark Obleada)