Advertisers

Advertisers

11 katao huli sa illegal operation ng LPG refilling Plant

0 183

Advertisers

ARESTADO ng mga operatiba ng Provincial Intelligemce Unit ang 11 empleyado ng Tider Gaz Corporation nang maaktuhang nagkakarga ng Liquified Petrolium Gas (LPG) iba’t ibang klase ng tangke sa Barangay Tigbe, Norzagaray, Bulacan.
Sa report ni PUI Deputy Chief , Captain Renz Principe, naka-impound ngayon sa Camp General Alejo Santos ang tatlong unit ng Elf truck na may mga plakang CCM- 6523, CAS-1351, at JO- 241 ng Tiger Gaz Corp.
Higit sa 100 assorted LPG tanks ang nakumpiska sa nabangit na LPG refilling station
Sinalakay ang LPG refilling plant base sa sulat na reklamo ng ilang lihitimong negosyante ng LPG sa lalawigan.
Paglabag sa PD 1865 ang kakaharaping kaso ng may-ari ng refilling plant dahil walang maipakitang permit mula sa Department of Energy (DOE) at Authorization permit mula sa ibang kumpanya ng LPG na nakita sa kanilang planta. (Thony D. Arcenal)