Advertisers
Ni Peter Ledesma
Last September 1, ay punong-puno ang Cinema 12 ng Gateway Cinema sa sobrang dami ng mga nanood ng premiere night ng pinag-uusapang movie ni Barbie Forteza na “Saving Cherry.”
Bungad pa lang ng movie, ay kita mo na ang sakit ng loob ni Cherry Valdez (Barbie) sa groom na si Jude Nicolas(Khalil Ramos). Sa gabi kasi ng kanilang pulot- gata ay imbes na si Cherry ang i-diverginize ni Jude ay sa ibang babae(Monina Lawrence) nakipagtalik ang lalaking pinakasalan. Kitang-kita ito ni Cherry. Imagine, kung ikaw ito ang iyong mararamdaman na sa unang gabi pa lang niyo ng groom mo ay pinagtaksilan ka na agad. At ang masaklap ay pinaghandaan pa ni Cherry ang honeymoon nila ni Jude. Kung ano-anong facial expression at emosyon ang tips tungkol sa pakikipagtalik ang ibinigay kay Cherry ng supportive friends niyang sina: Beth(Mikee Quintos), Jewel(Mika Salamanca), Ingrid(AC Bonifacio) at Sassa Gurls as Martha. Na nang gawin ito ni Cherry ay tawanan ang lahat sa buong sinehan dahil kahit may pagka-senswal ay idinaan pa rin ni Barbie sa comedy ang atake niya sa mga eksenang ito. Yes mas lalo kang mapapabilib kay Barbie sa movie niyang ito na bidang-bida ang salitang ‘Virgin pa rin ako” at ang washing machine.
At dahil sa gustong mawasak ang kanyang virginity at revenge na rin sa ginawang cheating sa kanya ni Jude. Hayun si Cherry nagwala at suportado siya, ng kanyang circle of friends. Yes this movie is about friendship also. Wow, super hottie dito ni Kokoy de Santos bilang macho dancer na natipuhan ni Cherry. Well, mapagtagumpayan kaya Cherry na mawasak o sa intact pa rin ang kanyang virginity. At sa huli, ay ano na ang mangyayari sa kanila ni Jude? Kahanga ang direksyon ni Ivan Andrew Payawal ng comedy-sexy film na ito. V
ery generous siya sa kanyang mga actor, na binigyan niya ng laya at may kaniya-kanyang highlight sa Saving Cherry. At kung magiging fair lang ang mga online film reviewer sa pelikulang ito ay deserve ng Saving Cherry ang 5 Stars! Showing na in 160 Cinemas nationwide ang Saving Cherry.