Advertisers

Advertisers

KYLINE ALCANTARA NAGUSTUHAN NI ALDEN RICHARDS DAHIL SA PAGIGING NATURAL

0 3

Advertisers

  • Ni Anne Venancio

Hinangaan ni Alden Richards ang natural na kakayahan ni Kyline Alcantara na makibagay sa iba’t ibang sitwasyon, lalo na sa kanilang pagtatrabaho sa bagong romantic comedy series na Love, Siargao.

Ayon kay Alden, madali para kay Kyline na makisama at mag-adjust sa mga kasama nito sa set.

Aniya, mahalaga sa isang artista ang pagiging adaptable dahil nakatutulong ito upang maging mas natural sa isang eksena at mas maayos na maipakita ang karakter.

Para kay Alden, likas kay Kyline ang ganitong katangian at isa itong malaking advantage sa kanyang pag-arte.

Kasama rin sa serye sina Nadine Lustre, Kim Ji Soo, AZ Martinez, Vince Maristela, Coleen Garcia at iba pa.

Mapapanood ang Love, Siargao sa GMA Prime simula Setyembre 28.