Advertisers

Advertisers

NEPOMUCENO: WALANG PUWANG ANG SMUGGLING SA BOC

0 3

Advertisers

Kung may isang mensaheng malinaw na ipinapakita ng P366.65-milyong kush haul sa Subic, ito ay walang puwang ang smuggling sa Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.

Hindi natapos sa unang pagkakasamsam ang operasyon.

Sa halip, ipinagpatuloy ng Bureau of Customs–Port of Subic ang masusing stripping at inspection sa yate hanggang sa madiskubre ang karagdagang 123.91 kilo ng high-end kush, na tinatayang nagkakahalaga ng P204.44 milyon.

Kabuuang 198 pakete, o tinatayang P366.65 milyon ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga.

Pero higit sa halagang ito, mas mahalaga ang mensaheng ipinapadala ng operasyon: hindi puwedeng umasa ang mga smuggler na makakalusot sila sa mga mata ng Customs.

Sa ilalim ng pamumuno ni Comm. Nepomuceno, kapansin-pansin ang diin sa mas mahigpit na border protection at koordinasyon sa iba pang law enforcement agencies.

At ang operasyon sa Subic ay magandang halimbawa nito.

Hindi lamang BOC ang kumilos. Katuwang nito ang Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Justice, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Subic Bay Metropolitan Authority Law Enforcement Department.

Ibig sabihin, kapag may nakitang dahilan para magpatuloy sa paghahalughog, hindi basta-basta isinasara ang operasyon.

Hinahanap. Sinisiyasat. Binubusisi.

Hanggang sa makita ang mga bagay na pilit itinago.
***
Dapat bigyang-pansin ang pahayag ni BOC Port of Subic District Collector Atty. Geniefelle P. Lagmay na hindi natatapos ang trabaho sa initial apprehension.

Isang mahalagang prinsipyo ito sa kampanya laban sa smuggling.

Dahil ang mga nagtatangkang magpuslit ng kontrabando ay hindi naman nagbibigay ng buong larawan sa unang tingin.

Kung may isang pakete, maaaring may kasunod.

Kung may isang taguan, maaaring may iba pa.

Kaya ang tunay na hamon sa Customs ay hindi lamang ang makahuli—kundi ang maging isang hakbang na mas maaga kaysa sa mga smuggler.

At dito pumapasok ang pamumuno ng isang commissioner.

Mahalaga ang direksyon mula sa itaas.

Mahalaga ang malinaw na mensahe sa mga tauhan.

At higit sa lahat, mahalagang maramdaman ng mga nagtatangkang lumusot sa ating mga hangganan na seryoso ang gobyerno sa pagbabantay sa bansa.

Sa P366.65-milyong kush seizure sa Subic, malinaw ang mensahe:

Hindi ligtas ang kontrabando sa pantalan.

Hindi ligtas ang mga shipment na umaasang makakalusot sa simpleng pagtatago.

At hindi dapat isipin ng sinumang smuggler na ang unang hindi pagkakadiskubre ay nangangahulugang nakalusot na sila.

Dahil sa Subic, ipinakita ng Customs na kapag kinakailangan, babalikan, bubusisiin at hahanapin ang bawat posibleng taguan.

Ito ang klase ng enforcement na kailangan ng bansa.

Hindi lamang papogi. Hindi lamang press release.

Kundi aktuwal na operasyon, aktuwal na koordinasyon at aktuwal na resulta.

At ang resulta?

P366.65 milyon na halaga ng high-end kush ang hindi nakarating sa merkado.

Kaya kung may gustong mag-smuggle, dapat malinaw sa kanila ang babala:

Walang puwang ang smuggling sa ilalim ng Customs na seryosong nagbabantay sa ating mga hangganan.

At kung magpapatuloy ang ganitong klaseng pagbabantay, mas lalong magiging mahirap para sa mga smuggler na gawing daanan ang mga pantalan ng bansa.

Sa huli, hindi lamang droga ang nasamsam sa Subic.

Isang mensahe rin ang ipinadala: bukas ang mga pantalan para sa lehitimong kalakalan— pero sarado ang pinto para sa smuggling.
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay sumulat o magmensahe sa bampurisima@yahoo.com.