Advertisers

Advertisers

FB POST NA PINALALABAS NA BINABASTOS NIYA ANG INC, BINATIKOS NI SEN. ERWIN TULFO: “NEVER AKO NAMBASTOS NG INC O ANUMANG RELIHIYON”

0 2

Advertisers

Mariing binatikos ni Senador Erwin Tulfo ang mga pagsisikap umano na gawan siya ng away sa Iglesia ni Cristo (INC) at pagpapalabas na nambabastos siya ng relihiuon.

Ito ay kaugnay ng isang social media post kung saan pinalalabas na nagsalita siya ng mga di magandang komento ukol sa INC, na aniya ay isang malinaw na ‘demolition job’ o paninira laban sa kanya.

Ang nasabing post ay gumamit ng litrato ng Senador at sa tabi noon, ang mga katagang:”Kapag inulit pa ng INC ang rally nila, talagang malilintikan na kayo sa akin! Maniwala kayo, ako mismo ang pupunta diyan sa lugar nyo at imumudmod ko ang pagmumukha ng mga organisador sa harap ng kanilang mga miyembro.”

“I will never utter those kinds of words not only toward the Iglesia ni Cristo but toward any other religion for that matter. I have countless friends from the INC and will never disrespect them or their religion. Such post is a low blow and highly disrespectful not only to me, but the INC as well,” ani Tulfo.

“Saan ko naman daw kaya sinabi ang mga ‘yun at bakit ko naman sasabihin ang ganun? Akala marahil ng nag-post ay malilinlang o mauuto niya ang mga taga-INC na maniwala sa ganitong kabastos na post. Marami akong kaibigan sa INC at kilala nila ako na may respeto sa kapwa, lalo pa sa relihiyon. Ayoko na sana patulan ang bagay na ito but media friends have been trying to get my reaction, so there,” dagdag pa ng Senador.

Kaugnay niyan ay nanawagan si Tulfo sa mga nasa likod ng paninira at aniya ay walang tigil na black propaganda laban sa kanya na ituon na lamang ang kanilang pansin sa iba, dahil wala naman umano siyang planong tumakbo sa mas mataas na posisyon. (JERRY S. TAN)