Advertisers

Advertisers

PAGLABAS NG ARREST WARRANT LABAN KAY VP SARA, BINATIKOS NG PDP-LABAN

0 2

Advertisers

Mariing kinokondena ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-LABAN ang anito ay pinakabagong pag-atake sa lehitimong oposisyong pampolitika, kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest laban kay Vice President Sara Duterte.



Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, tagapagsalita ng PDP-LABAN, hindi umano maikakaila ang ‘tahasang pagtatangkang durugin ang oposisyong pampulitika.”

Binatikos ni Topacio ang aniya ay paggamit sa mga ahensiya bilang mga sandata ng malawakang panggigipit laban sa sinumang mangahas na tumutol sa umiiral na korapsiyon sa gobyerno.



“Sa napakadilim na panahong ito sa kasaysayan ng ating bansa, kung kailan nagsisimulang manaig ang lakas laban sa katuwiran, hinihimok ng PDP-LABAN ang mamamayan na panatilihin ang kanilang suporta sa mga pinunong kanilang pinili, buong lakas na labanan ang pagpapataw sa kanila ng mga taong itinakwil ng sambayanan at manindigan laban sa mga puwersa ng diktadura,” dagdag pa ng PDP national spokesman.

“Kami sa PDP-LABAN ay mangunguna sa makasaysayang laban na ito para sa ating demokratikong pamumuhay. Naninindigan kami kasama ang Pangalawang Pangulo. Naninindigan kami para sa katarungan. Naninindigan kamu kasama ang sambayanang Pillipino!,” dagdag pa ni Topacio. (JERRY S. TAN)