Advertisers

Advertisers

Laguna de bay umapaw na

0 2

Advertisers

PATULOY na umaapaw ang tubig ng Laguna de Bay sa ilang bahagi ng Binangonan, Rizal dahil sa mataas na level ng lawa na pinalalala ng walang tigil na pananalasa ng habagat.
Sa Barangay Pritil, lubog sa tubig ang bahagi ng kalsada at mismong ang pantalan, habang apektado ang biyahe ng mga pasaherong tumatawid sa pagitan ng Binangonan at Talim Island lalo na kapag malakas ang ulan at alon.
Nagsisilbi ring fish port at bagsakan ng huling isda ang Pritil Port kaya direktang naaapektuhan ang mga mangingisda, tindero at iba pang umaasa sa pangisdaan sa Laguna de Bay.
Maging ang mga kalapit na barangay gaya ng Janosa at Kinagatan ay inaabot narin ng tubig ng lawa, habang ilang lugar sa paligid ng Laguna de Bay sa Rizal at Laguna ay nakararanas din ng pagbaha.
Samantala, nagkalat sa baybayin ang mga debris, basura at water hyacinth na itinutulak ng malalakas na alon.
Iniulat ding umuuga ang ilang bahagi ng flooring ng pantalan dahil sa patuloy na hampas ng tubig.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente at biyahero na mag-ingat at iwasan muna ang mga bahaging delikado habang nagpapatuloy ang masamang panahon at nananatiling mataas ang tubig sa Laguna de Bay.